Ang Tagalog bersiyon ng website ng Kagawaran ng Pag-unlad na ito (DEVB) ay naglalaman lamang ng pahapyaw na impormasyon. Maaari mong makita ang buong nilalaman ng aming website sa wikang Ingles, Tradisyunal na wikang Tsino or Pinadaling wikang Tsino.
Maligayang pagdating sa Homepage ng Kagawaran ng Pag-unlad ng Pamahalaan ng Espesyal Administratibong Rehiyon ng Hong Kong.
Ang lupain ng Hong Kong, mabundok na tanawin, Victoria Harbour, at mga nakapaligid na katubigan ay mahahalagang yaman ng ating lungsod. Ang pinakamainam na paggamit ng mga limitadong yamang ito upang matugunan ang malawak na pangangailangan ng ating komunidad, sa gitna ng mabilis na nagbabagong pandaigdigang kompetisyon at pang-rehiyon na pag-unlad, ay isang malaking hamon. Kinakailangan nating panatilihin ang paglago ng Hong Kong bilang isang modernong lungsod na nagbibigay ng de-kalidad na tirahan at lugar ng trabaho para sa ating mamamayan, at itaguyod ang patuloy na pag-unlad ng ating kompetitibong kalamangan, kapwa sa pandaigdigan at pang-rehiyon na antas. Ang paglago ng ating lungsod ay marapat na nakakatugong mahusay sa mga pangangailangan ng komunidad at nakabatay sa prinsipyo ng sustenableng kaunlaran. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad at palakasin ang posisyon ng Hong Kong bilang isang kompetitibong kosmopolitan na lungsod sa Asya, magpapatuloy ang Pamahalaan sa tamang oras na pamumuhunan sa pagtatayo ng bagong imprastruktura at pagpapabuti ng mga kasalukuyang probisyon. Nakatuon din ang Pamahalaan sa pagpapayaman ng kapaligiran ng lungsod sa pamamagitan ng epektibong pagpaplano ng paggamit ng lupa, pagsasaayos ng pamayanan, pagpapalago ng mga luntiang lugar, at pangangalaga sa pamanang kultura. Ang Kagawaran ng Pag-unlad ang pangunahing kagawaran na responsable sa pagtataguyod ng patakda’an para sa pag-unlad ng ating lungsod. Ang aming trabaho ay nahahati sa dalawang pangunahing larangan: pagpaplano, pagpapaunlad ng lupa at gusali; at pagpapaunlad ng imprastruktura.
Ang hompage na ito ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa aming mga polisiya, inisiyatiba, organisasyon, at napapanahong balita. Umaasa ako na makita ninyo ang aming hompage na kapaki-pakinabang at instruktibo. Maaari kayong magbigay ng inyong suhestiyon at komento.
Ang Sangay sa Pagpaplano at mga Lupa ng Kagawaran ng Pagpapaunlad ay responsable para sa mga patakaran na namamahala sa pagpaplano ng paggamit ng lupa, suplay at pagpapaunlad ng lupa, pamamahala ng lupa, pagrerehistro ng lupa, urban renewal, at kaligtasan ng mga gusali. Layunin naming mapadali ang pagpapaunlad ng Hong Kong sa pamamagitan ng masusing pagpaplano sa paggamit ng lupa, napapanahong suplay at pagpapaunlad ng lupa, epektibong balangkas ng pamamahala at pagrerehistro ng lupa, mahigpit na sistema ng kaligtasan sa mga gusali, at isang kolaboratibong proseso ng pagsasaayos ng pamayanan. Ang "Hong Kong 2030+: Patungo sa Isang Bisyon at Estratehiya sa Pagpaplano Patungo sa 2030" (Hong Kong 2030+) ay naglalatag ng bisyon ng Pamahalaan para sa napapanatiling pag-unlad ng ating masikip na lungsod tungo sa mas magandang kalidad ng buhay sa mga darating na dekada. Sa pamamagitan ng estratehikong pagpaplano sa antas ng teritoryo at pagpaplano ng paggamit ng lupa sa mga partikular na lugar, pinagsisikapan naming malubos ang pamumuhunan sa paggamit ng lupa at pagpapaunlad ng imprastruktura. Sinisikap din naming magbigay ng sapat na lupa at espasyo upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay, komunidad, at pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating lipunan sa pamamagitan ng mga itinatag na mekanismo ng pagpaplano. Sa paggawa nito, pinangangalagaan namin ang mga mainam na prinsipyo ng pagpaplano upang patuloy na mapahusay ang kapaligiran para sa ating mga mamamayan, maisulong ang matalinong paggamit ng lupa at iba pang mga yaman, makamit ang balanseng kaunlaran at konserbasyon, at mapanatili ang likas na yaman at mayamang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. Ang aming mga binuong lugar, kabilang ang mga pamayanang urban at bagong bayan, ay sumasaklaw sa 25% lamang ng aming lupain sa kasalukuyan, at tataas ito sa humigit-kumulang 30% kapag lubusang naisakatuparan ang Hong Kong 2030+, kung saan ang karamihan ng natitirang lupa ay matatagpuan sa loob ng mga parke at iba pang lugar na pinangangalagaan para sa kalikasan. Ang wastong paggamit ng aming mga yamang lupa ay susi sa pagpapanatili ng pag-unlad ng aming lungsod. Ang epektibo at wastong pamamahala ng lupa at kontrol sa mga gusali ay nag-aambag hindi lamang sa pinakamainam na paggamit ng lupa at espasyo at wastong paggamit ng imprastruktura, kundi pati na rin sa pagtiyak ng isang ligtas at maayos na lugar na matitirhan ng mga tao. Ang isang matatag na estratehiya sa muling paggawa ng pamayanan ay mahalaga din sa pagpapasigla ng ating pamayanang urban, lalo na't makikita natin ang mabilis na "dobleng pagkaluma" ng parehong ating populasyon at mga gusali sa mga darating na dekada.
Ang Sangay ng Paggawa ng Kagawaran ng Pagpapaunlad ay responsable sa pagbabalangkas ng mga patakaran sa pampublikong mga proyekto sa pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga pampublikong proyekto. Ito rin ang nangangasiwa sa mga patakaran na may kaugnayan sa pagtaas ng suplay ng lupa sa pamamagitan ng pagbawi ng kalupaan sa labas ng Victoria Harbour, pagsasaayos kuweba at espasyo sa ilalim ng lupa, pagsasaayos ng Lantau, at ang transpormasyon ng Kowloon East (na binubuo ng dating industrial areas ng Kwun Tong at Kowloon Bay at ng Kai Tak Lugar ng Pagpapaunlad) upang maging isa pang pangunahing distritong pangkabuhayan na susuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Hong Kong. Kasama rin dito ang kaligtasan sa konstruksyon, kaligtasan ng mga dalisdis, kaligtasan ng mga elevator at escalator, suplay ng tubig, pag-iwas sa pagbaha, pamamahala sa mga kontratista at consultant ng konstruksyon, at ang pagtataguyod ng mga propesyonal na serbisyo, lakas ng manggagawa sa konstruksyon, at pagpaparehistro ng mga manggagawa.
Nagbibigay rin ang kawanihan ng gabay sa mga kagawaran ng pamahalaan hinggil sa pagpapanatili ng luntiang espasyo at pamamahala ng mga tanawin at puno, at responsable sa mga proyekto ng pamahalaan sa konserbasyon ng mga pamana. Hinahangad nitong magtaguyod ng balanse sa pagitan ng pagpapaunlad at konserbasyon upang matiyak na napapanatili ang lahat ng ating mga proyekto at ang ating mga makasaysayang pamana ay angkop na mapangalagaan para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon. Ang Kagawaran ng Pagpapaunlad ay binubuo ng mga kagawaran ng Serbisyong Arkitektural, Gusali, Inhinyerang Sibil at Pagpapaunlad, Serbisyong may kinalaman sa Dasagwe, Serbisyong may kinalaman sa Kuryente at Makina, Lupa, Pagpaplano, at Suplay ng Tubig, at ng Pagrerehistro ng Lupa.
Mangyaring tingnan ang “Pagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi” para sa mga kasalukuyan at planadong hakbang sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng lahi, gayun din ang bilang ng interpretasyon at pagsasalin ng mga isinaayos na serbisyo.